So there he is, grabbing his phone. He looked at me and said, “I really really like you! And to prove it….. here… I’m deleting the app because I found the one I want, and that’s you!”. OMGEE KA KUYA BABE! Hindi ko alam kung matutunaw ba ako sa upuan ko eh. Grabe ang lande! Hindi ko kinaya hahaha. Medyo nagblush nga ako non. Infairness, hindi lang pala ulo nya ang bold pati actions nya!  Sabagay matanda na rin si Kuya Babe, kaya siguro nagmamadali ng makascore, este makahanap ng someone special.

Well parang tanga lang ako, wala akong masabi sa ginawa nya. I just smiled at him and said, “tara, I need to go back to the office, I have a meeting pa kase… “. Oh diba… talking about flirting 101…. bagsak nanaman ako. Sa isip ko,  “Ano ba yan, pano naman ako nito magkakapagjowa kung ganito ako. Hmp!!! I need reinforcement! “. 

So ayun, hinatid na nga ako ni Kuya Babe sa office. And just to give him some consolation for his grand gesture, I kissed him by his cheek and thanked him for the lunch. (Kahit hindi ako talaga nabusog — well bukod sa salad lang kinain ko eh, hindi rin ako natunawan sa mga pinaggagawa ni kuya… ayun). 

I’m back in the office, hu! Para akong nahinga bigla. So there I am, headed straight to my room. As I sat and opened my laptop,  I can’t help thinking about what Kuya Babe did. It just kept on rewinding in my head. “Ano ba ito! Parang virus si Kuya Babe.” I can’t focus, para bang pirated dvd itong utak ko na paulit ulit nalang piniplay yung pangyayari kanina. Hay nako kaasiwa.

I tried my best to focus and shove off these insane thoughts, when my phone suddenly made a noise. It was a message notification.  SI KUYA BABE NANAMAN!!! So I quickly turned off my notification tone and put my phone inside my desk. Hayst. Grabe na! Kakahatid palang, message na agad. Then a colleague and a very close friend of mine went inside my room. She asked me, “Anong meron?”. Sabi ko,  “Bakit ano ba yun?”. “Kanina ka pa kase parang di mapakali dyan tapos nakangiti ka. Para kang tanga!”, sabi nya. Ganon? I was smiling? Waaaahhhh …  So I told her about this Kuya Babe I met and the quick escapade I had during lunch. Aba ang lola, I didn’t expect her to react that way but I guess I got the reinforcement I need. She said, “Bakla patulan mo na yan! Chance mo na yan! Go push! Enjoy mo lang, single ka kaya! Malay mo teh, yan na nga yung pinagdadasal mo. Oh diba answered prayer na agad. Saka wag mo ng isipin yung ex mo, ang ganda mo no! Alam mo yun, yang mga ganyang lalake, ayaw na nyan maglaro at yung kagaya mo yung tipo na nila kase nga pangforever ka! Kaya wag ka nga dyan! Isipin mo, san pa sila makakahanap ng kagaya mo, maganda na , christian pa, matalino, maganda ang work, at higit sa lahat may pangsponsor pa! hahaha”  Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pinagsasabi ng kaibigan ko eh,  parang nang iinsulto na ewan, hahaha, well on the other hand, may point naman si Ate. Why not chocnut? Napaisip ako tuloy.

Anyway, life must go on, so I finished my report and did my presentation to my Aussie boss. It was a good day in the office. The team was doing well and I got commendation. The day was about to end when I remembered getting my phone in my desk. I looked at it, wow daming messages and miscalls. And take note the messages wasn’t from Kuya Babe lang but also from other tinder boys hahaha (Lande pa more!). Pero syempre since Kuya Babe caught my attention first and with the consent of my friend, I replied to him. And about few seconds of sending my reply to his message, my phone rang. It was a call from Kuya Babe. Grabe ang bilis talaga. As in! So, I answered his call and we were on the phone for about an hour. Grabe ang sakit na ng tenga ko. So I told him that I’ll be just putting my headset. Sabi nya ok pero don’t drop the call daw. Wow ha, para naman akong mawawala. Pero aminin, haba ng hair ko teh that time, hahahaha at syempre nakakakilig din naman yung mga paganon ni Kuya.

I left the office and drove off going to my place while still on the phone with Kuya Babe. In the middle of our conversation, he asked me, “Do you like me? Do you think there was a spark when you saw me? “. I was caught off guard. Hindi ko alam sasagot ko. There was a moment of silence for a few seconds when it hit me, cge na nga.. patulan ko na nga tong mokong na to. So I said, ” Yeah I like you. You are honest, and mukha ka namang mabuting tao. “ hahaha, talking about patweetams hehehe. But what he replied to what I said surprised me even more.

To be continued….

Go with the flow – Tindering @40 The Saga continues…

Advertisements