I was quite unsure what was my dream all about. But one thing I know is that, I need to prepare to meet my Kuya Honey! So brush off bad vibes! 👿

Yes!!! No doubt, he is definitely my man! Alam mo yun, siya yung taong sigurado sa mga desisyon nya sa buhay at sinasama ka na nya sa mga pangarap nya,  something that my ex didn’t do for me kaya siguro napuno din ako ng insecurities. Anyway, para akong kinuryente sa kilig kay Kuya Honey hehehe. I just can’t wait to know how it feels to be with him in person — yung yapakin sya ng mahigpit at makasama sya sa lahat. Hayyyyy, kilig!!!!

So my friends were all full force in supporting me in this venture. Nagvolt-in ang mga Dora bffs para samahan ako sa kalandian ko hahaha. Kilala na rin sila ni Kuya Honey. Nakakatuwa lang kase my friends don’t usually support this kind of meetings pero this time parang sila pa mas excited kesa saken.

Me:  Hoy baket parang kayo pa tong nagreready kesa saken? Pwede ako naman mag make up? Grabe ha… (They were all in my room invading my closet, my shoes and make-up kits) 

Dora 1:  Ohhh si madam naman daw, cge labas muna ako.

Dora 2:  Beh, wala pa akong isusuot. Hanapan mo muna ako ng dress 

Me:  Check mo nalang dyan kung ano kasya sayo. Teka ha, may sulian yan! Mahal yan!

Dora 2: Yey!!! Sige! 

Dora 3:  Beh, nasan na yung pang highlight mo? Pahiram naman. Ay ikaw nalang pala maglagay.

Me:  Ok, teka wait ha … o cge upo kana

Dora 4:  Beh, yung pinahiram mo saken kagabi na dress panget pala sa arms ko. Meron ka ba na iba pang dress?

Me: (Habang minimake-upan si Dora 3)  Yung maroon ko nalang na dress, check mo dyan sa mga nakahanger.

Dora 5:  Hoy, matagal pa ba kayo? Traffic na kaya. Bilisan nyo naman baka mamaya hindi pa ako umabot sa flight ko. (Bilang may flight din yung isang dora friend ko — out of the country at sakto same terminal kung san ko sasalubongin si Kuya Honey).

Me:  Eto lapit na…

Dora 1, 2, 3, 4  –  Ready na kami, alis na tayo in 5 minutes.  

Me: 😳

Dora 1 – Beh bilisan mo, traffic na daw ang ganitong oras. Mag ayos kana kaya. Ilalabas mo pa yung sasakyan.

Me:  Mag aayos na nga ako eh, kaso ginawa nyo na akong yaya…. Kayo ba yung makikipagkita kay Kuya Honey??? Parang kasing kayo pa mas prepared kesa saken. Eh kung lumabas kaya kayo lahat sa kwarto ko???? 

Dora 1,2,3,4,5 –   Ahhhh hehehehe, sige, take your time hihi. Paganda ka ha! 

Finally nakapag-ayos din. At dahil gahol na sa oras. Mabilisang pag-aayos nalang nagawa ko. We were all inside my car and headed to the airport. While driving, we had a short conversation about Kuya Honey.

Dora 3:  Ano beh, ok ka lang, grabe ang ngiti ah.

Me:  Oo naman. (Sabay smile)

Dora 3:  Alam mo beh, tingin ok yan si Kuya Honey. He’s mature at mukhang mabait talaga kase napapasaya ka niya.  I’m just so happy for you. Pero sa tingin ko pagnameet mo yan in person, walang “wow” factor — hindi sya ganon kagwapo gaya ng nasa photos nya. Feeling ko lang ha. Kase nakita ko naman sya in one of your video calls. He looks older than his photos.

Me:  Ehhhh malay mo naman. Ok lang din naman yun. Importante naman yung over all aspect diba?

Dora 5:  Beh baka maexpectation vs reality ka dyan! hahahaha Yun pala galing lang si Kuya Honey sa Filinvest… hahahaha pumunta lang sa airport. Call Center pala hahaha kunwari Canada pa! hahahahaha

Dora 1,2,3,4,Me:  Lakas ng tawa! hahahaha

Me:  Tigilan nyo na nga yung tao hahaha, baka mamaya eh hindi na makahinga yun kase kanina pa nabibilaukan. hahaha

We arrived at the airport. Naghiwalay hiwalay na kami kase medyo late na at si Dora 5 may flight din. Pagkatapos ko ihatid si Dora 5, iniwan ko na din sila after few minutes to head to the arrival area to wait for Kuya Honey while they wait for Dora 5 to pass through the immigration.

As I walk towards the arrival area, I was feeling awkward kase nga magsusundo ako ng someone I haven’t really met in person. Parang kakaiba lang yung feeling. Ayun. Eto namang mga kaibigan ko hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala hahaha! Mga chismosa talaga eh noh???!!! Kung ikaw na may kaibigan na gaya nila, hindi mo na talaga kelangan ng mga totoong reporters o bots kase sila palang trending ka na agad! Hay nako… hahaha, pero I love them!

Dora 2:  Beh, dito lang kami sa likod ha, kunwari hindi tayo magkakilala hahaha, gusto lang namin makita si Kuya Honey hahahaha

Me:  Sure ka ha! Eh bat may nakaready ka na dyan na camera? Paparazzi ang potah! hahaha

Dora 2:  Eh ganon talaga. Ikaw naman feeling mo naman para sayo to, hindi noh! 

Me:  Hosha sige dyan lang kayo ha… wag pasaway! Nakakahiya naman kay Kuya Honey. Syempre as much as possible I want him to feel comfortable. Ako lang kaya pinunta niya dito. Sige na behave kayo dyan.

Dora 1 and 3:  Kumaway at nag OK sign.

Dora 2:  Sige balik na ko sa likod! Good luck beh! I’m so happy for you! Pakilala mo kami ha! Sabihin mo magdinner tayo next week!

Me:  Oo pakikilala ko siya sa inyo in person. I just wanna be sure na he is really the one. Ayoko naman na magpakilala ng hindi sigurado. Sige na later ha! Thanks beshie!

I sat there in the arrival area waiting for Kuya Honey. Past 9pm na, no message from him. Hmmm, ano na kayang nangyare…. Almost 10pm na… wala pa din.

Dora 2:  Ano beh, andyan na?

Me: Wala pa eh. 

Dora 2:  Gusto mo pasukin ko na? (Bilang all powerful yung Dora friend namin na yun sa mga airport). 

Me:  Sige nga, check mo daw. 

Dora 2:  Ok cge. Wait ka lang dyan, anong flight number nya?

Me: Ito … sabay handed Dora 2 my phone.

Dora 2 went inside the arrival area to check Kuya Honey. (Perks of having a powerful bff in the airport)

While waiting for Dora 2, I’ve put on my headset and opened my spotify to entertain myself. The song — Hanggang Kailan by Orange and Lemons played. Kinilig nanaman ako. Ito kase yung song ko for him, siya naman yung song nya for me is Magkabilang Mundo by Jireh Lim. Grabe!!! #LDRFeels talaga!  Feeling ko para akong bumalik sa highschool sa mga pinaggagawa ko. Pero I have to admit, ito yung mga feelings na hindi naluluma ng panahon kahit anong corny pa! Naisip ko nga bakit ba kapag tumanda na sinasabi na hindi na dapat ganito. Eh ang sarap kaya ng ganito!!! Ewan ko ba mga wisdom pagtumatanda na. Gusto aksyon agad. Gusto shortcut ganyan.

At ito yung dahilan bakit ko talagang nagustuhan si Kuya Honey kase pinaramdam niya saken yung kilig gaya nung bata pa ako. Yung tipong kilig sa crush mo ganyan…. hayyyyy… kakainlove lalo. Sana nga lang maging ok talaga ang lahat. Ang dami na naming plano. Feeling ko nga eh mahal ko na rin talaga tong si Kuya Honey.

So ito na, lumabas na si Dora 2.

Dora 2:  Beh kalalapag palang ng eroplano nila. Kalalabas lang ng mga pasahero. Antayin mo nalang lalabas na rin yun.

Me:  Thanks besh ha. Sige dito na muna ako.

Dora 2: Ok dun lang kami sa likod.

Mamaya pa, I got a message from Kuya Honey — “Hon, I’m just waiting for my baggage”.  I replied to him saying that I’m just outside waiting for him in the arrival area. Few minutes after, I stood up in my chair. Hindi ako mapakali. I have mixed emotions of excitement and awkwardness. Alam mo yun, kase nga super close na kami pero sa phone lang yun. Parang iba yung feeling ko eh, hindi ko alam kung ganon din ba kami in person??!! Ewan! Di bale andyan naman mga friends ko. So in the event things didn’t go well, I will leave with my friends instead.

I just stood near the exit. Medyo masakit na din legs ko ha, ano ba yan, ang tagal. Mayamaya pa, I saw a familiar face from afar. He looks like Kuya Honey. Hmmmm, I tried to examine whether he is indeed Kuya Honey. Iba pala talaga kapag sa personal noh? Anyway, mukhang sya nga talaga yun. So I messaged him and waved my hand so he could see me.

There he saw me and headed where I am. Nakakakaba! Ano ba yan! Hahaha, as he gets near, I can see his face clearer. Well, tama yung sinabi ni Dora 3, walang wow factor and he looks older than I expected… pero sa totoo lang, those things doesn’t really matter to me. What’s important is that this is the moment that I am meeting the man who made my heart fall again.

 I looked at him as he walked. He looks serious and mature, something that really attracts me, then as he gets close, the serious look in his face was suddenly replaced with a sweet smile. Ahhhhh nakakatunaw naman! Kahit hindi ganon kapogi si Kuya as I expect pero nadali nya talaga ako sa ganong gestures nya. Hayyyyyyyy….. lande pa more!

So tawagin nyo nalang ako na “Paloma”a gentle and peaceful creature, yet surprisingly dangerous….  like a bird, I can take you to heights you’ve never been to…..and just like a strong drink, I’ll boost your spirit until you loose your consciousness…..

“Hi Paloma! Tagal na nating hindi nagkita” 

 

To be continued….

Paloma – Tindering @40 The Saga continues…

Advertisements

One thought on “The waiting is over – Tindering @40 The Saga continues…

Leave a Reply

%d bloggers like this: