Habang nagdridrive ako pabalik sa hotel para bang ang dami nanamang bagay na tumatakbo sa isip ko. Ang gulo noh? kung kelan gusto ko na syang iwanan ito nanaman at may ganitong eksena. Parang telenobela, ang daming drama.

Sa totoo lang napapaisip ako. Tama ba ginagawa ko? Lahat nalang ng bagay para bang masyadong kong jinujudge, pero ako ba ginawa ko ba yung dapat para sa kanya? Hayst….. sa totoo lang gusto ko naman si Kuya Honey, pero ewan ko ba… di ko na maintindihan utak ko! Sana pwedeng iasa  kay Batman ang lahat para sya nalang yung nalilito at ako mag aantay nalang ng tamang sagot, sana ganon lang kasimple ang lahat…

—————————————————————————————————————————————

Eto na, andito na kami ulit. Pagbaba namin sa sasakyan, tiningnan ko yung hotel building — para bang malungkot tingnan, hindi ko alam kung ako lang ba ito o talagang gloomy lang ang panahon.

Anyway, tumuloy na kami sa loob. Para bang ang bigat ng bawat hakbang ko. Bakit ba ako ganito…

Kuya Honey:   Maggym lang ako…

Me:  Ok mag aayos lang ako dito.

Binaba lang nya gamit nya at umalis na rin agad. Ayun, naiwan nanaman akong mag isa. Oo, mag isa talaga … hayst.

While packing my things, para bang bigla ko nalang naalala ang lahat, kung paano kami nagsimula —— ang love story namin parang sayaw, minsan Tango, minsan Swing, pero madalas Cha-cha. Gaya ng bawat steps ng sayaw na to, ganon din yung naramdaman ko, urong sulong…. pero ngayon tapos na ang sayaw namin…….it’s time to take a bow and bid goodbye.

I stood up and got all my bags. And just before I exit the door, I left the bracelets in the table then left.

I got into my car,  drove off and never looked back.

Good bye Kuya Honey ….

 

 

Tuloy ang buhay Paloma, tuloy lang – Tindering @40 The Saga continues…

Advertisements