Ikaw nga! Oo wala ng iba, huwag kang malito! Para talaga sayo ito.

Hindi ka nag-iisa! Hindi na mahalaga kung 40 ka, mas bata o mas matanda kapa … ang importante malaman mo na marami tayo! Kaya ikaw ha, ‘wag mong iisipin na unique ka, OK? Masyado ka namang feeling sa sarili mo nyan. Wag ganon.

Saka tama na ang drama rama — hindi pa ba sapat yung mga dinanas mong mga eksena?  At ang mga pagtatanong —- bakit ganito, bakit ganyan, bakit ikaw —-  hindi ka naman bida sa telenobela pero kung makaemote ka eh daig mo pa artista. Well lahat naman dumaan siguro dyan pero sana wag tayo masyadong OA ok? Saka yung galit? Nako wag na, kelangan natin ng world peace ngayon maniwala ka. Kaya wag ka din magalit saken kung medyo prangka ako ha!

Alam mo sa totoo lang, hindi naman ako expert pero gusto ko lang ishare sayo mga bagay na natutunan ko. Sana makatulong din sayo or kung sino man sa buhay mo na gusto mo ishare ito. Ngpala, eto ha, life lesson ko to, so pwedeng hindi lahat applicable sayo or kung kanino man, ok!

  1. Kung ikaw man ay nasa relationship ngayon magpakatotoo ka sa partner mo — sabihin mo ang totoo mong nararamdaman. Hindi yung patatagalin mo pa kase ayaw mo siyang masaktan o sadyang duwag ka na sabihin ang totoo. Kung mahal mo edi say it! Don’t keep it to yourself. Walang corny sa taong nagmamahal. At kung ikaw naman eh nagtitiis nalang, well it’s about time! Don’t prolong the agony, sabihin mo na hindi mo talaga siya mahal. Masakit man ito pero mas dadali para sa inyong dalawa makamove on kapag alam nyo pareho ang totoo.
  2. Kung magjojowa ka, dapat ready ka na talaga pumasok sa isang relationship, I mean every aspect of it. Wag yung inuuna ang libog ng katawan. Madalas kase sa panahon ngayon, nagiging kayo kase may nangyare na. Hindi lahat happy ending ang story dyan —- 98% ang chances na sad! Ano handa ka bang irisk yung 2% chance mo? Bahala ka, basta sinabi ko na sayo yan, ok?
  3. Bago ka maging judgemental sa partner mo o sa prospect mo na partner, make sure ikaw eh handang gawin din ang lahat para sa partner mo para maging masaya sya. Otherwise, wag kang mag expect, OK? Parang sayaw lang yan — kelangan sabay ang pag-indak nyong dalawa otherwise panget ang kalalabasan.
  4. OK LANG NA MAG-ISA! Pwede ba? Wag ka nga mag-emote! Ang kaligayahan mo hindi yan nakabase kung may makakasama kang tao na manood ng sine, kumain, mag-malling or kapag VALENTINES! Utang na loob! Masaya rin ang walang kasama! Kelangan lang iopen mo isip mo dun. Saka kung may edad ka naman na, wag kang makinig sa sinasabi ng iba —- kawawa ka pagtanda mo, kelan ka ba magjojowa, kelan bibigyan ng apo mga magulang… at kung ano ano pa. Para sabihin ko sayo, wag kang mapressure! Hindi naman contest ang pag aasawa! Bakit may prize ba kapag nauna??? Please naman! Enjoy yourself! Enjoy the gifts of life! Daming blessings ni Lord! Gawin mo lahat ng mga bagay na gusto mong gawin — except sa mga bagay na masama ha! Gaya ng patayin yung malanding mahadera o mahadero na umagaw sa mahal mo. Wag ganon, ok?
  5. HINDI MASAMA MAGTINDEROo you heard me right — HINDI MASAMA! Kung ikaw gaya ko na babae, may edad man o bata — again except for those na nag-aaral pa, I suggest focus muna kayo sa pag aaral, wag muna unahin ang lande! Saka na kapag tapos na kayo at may trabaho na para may anda na kayo para isupport ang mga “Lande” Activities! Mahal din ang make-up at mga get up noh! kaya mag aral muna! Bawal gamitin ang allowance, mahiya naman kayo sa magulang niyo! —— hindi masama na magtinder. Maganda nga ito kase mas lalawak yung network mo. Isipin mo nalang na ikaw ay parang mangingisda. Kung dati sa ilog lang na malapit sa inyo ikaw nangingisda, with Tinder, para kang napunta sa Pacific Ocean. Oo marami talaga dun. Kelangan lang choosy ka at ayusin mo din yung profile mo. Huwag yung puro filter or hubad na pics. Remember, kung anong klase ng picture mo na nilagay dun, ganon din ang magiging tingin sayo. Kaya kung gusto mo maattract sayo matino na tao, wag yung mahalay na pics ok? At kung lalake ka naman, PLEASE LANG, hindi lahat ng babae sa TINDER eh pwede sa mga kalaswaan! Mas marami yung taking chance to find someone who can be their FOREVER! Kaya ayusin mo rin. Wag yung gusto mo lang maghanap ng libreng jeyjey. Wag ganon. Respect women.
  6. Kung mahal mo yung tao, ok lang naman na mapagod pero ang sumuko iba na yun. Isipin mo nalang yung investment mo! Pero kung kasuko suko naman talaga edi wag mo ng patagalin. Harapin mo sya at sabihin mo.
  7. Ok lang na mang-iwan at iiwan. Part of life yan. You can never have everything in life. So kelangan mo lang talaga tanggapin ito.
  8. Kung ikaw man yung mang-iiwan, ok yan basta siguraduhin mo na nasabi mo lahat sa partner mo. Huwag mong iiwan ang isang tao sa ere. Kelangan nasabi mo lahat para hindi kana maobliga na sagutin mga text o tawag nya — kase nasabi mo lahat.
  9. Kung ikaw naman ang iniwan, ok lang din yan. Sabi nga, ang mga kawawa mas pinagpapala. Saka wag kang malungkot, magtinder ka nalang, tamo mamaya sasaya kana.
  10. Kung magmamahal ka,  hindi yan gaya ng fairytale na puro masaya lang! Ewan ko ba sa Disney, kung ano ano finefeed sa utak natin. Kapag nagmahal ka dapat ready ka na masaktan, madissappoint, malungkot, sumaya ng sobra, magsakrispisyo at kung ano ano pa! Many to mention! Inshort dapat ready ka sa lahat at wag ka basta basta susuko kung alam mong may pag-asa pa.
  11. IT WILL HAPPEN! Kung ang UP nga nakapasok sa finals, I’m sure, darating din yung inaasahan natin — walang imposible! Kung kelan? Tanging si God lang nakakaalam. Basta isipin mo nalang, ang UP took 32 years to win again. All these years, they never gave up trying… and then finally they got what they want! BE LIKE UP! #UPNamingMahal
Advertisements