Buhay, bakit ka ba ganyan? Minsan nakakatuwa ka, minsan naman nakakaasiwa. Quota kana saken ha!

Hayyy, akala ko kapag medyo may edad na tayo exempted na sa mga ganito, hindi rin pala. Pero siguro ang mas maganda lang ngayon is mas matapang ka ng harapin ang buhay. So go lang ng go! Ano pa ba, diba? Edi tuloy ang tindering!


So eto ako, back to zero… so balik sa dating gawi, but this time I have a game plan. I checked my app to see my other matches and made sure I have my check list.

  • NO more LDR!
  • I want a mature guy na alam na ang gusto sa buhay, yung talagang ready na!
  • Financially stable — syempre pa! Alangan na ako pa magsusupport sa kanya, ano paLoad ganyan…utang na loob di po ako COUGAR!
  • Matangkad at Gwapo — syempre pa kelangan mas maganda ako hahaha
  • Maginoo pero medyo bastos 😈  — you know what I mean! hmmm aminin na natin gurls yan! … bawal tupperware!
  • Sensitive
  • Matino
  • Seryoso — ayoko kase sa lahat yung medyo OA — ganyan at yung mas madaldal pa saken! 
  • At mamahalin ako ng BUO! Walang labis, walang kulang!

I am more confident this time kahit masakit parin sa puso ko nangyari samin ni Kuya Honey at kahit medyo tinabangan ako — Push parin!

Yun nga lang dahil sa mga ganap, I became more aggressive and critical. Ang pangako ko sa sarili ko —– LAST HIRIT NA TO!  Kapag wala parin at inabutan na ko ng 41, game over na!  HINDI NA TALAGA AKO MAG-AASAWA!  Totoo yan!

At kung meron mang naidulot na kabutihan itong kalokohan ko na eto, eh yun yong eenjoy ang pagiging single! Promise masaya naman pala talaga sya! Akala ko dati, yung mga nagsasabi na masarap maging single is mga BITTER lang kase nga wala namang mga Jowa. Kala ko excuse lang nila yun. Pero sa totoo lang masaya naman pala talaga! NO JOKE YUN!

Kaya nga minsan napapaisip rin ako kung bakit pa ako nag eeffort ng ganito. Pero sabagay nakatulong din talaga sya ng malake para makamove-on ako ng totoo. At yes masaya ako ngayon. I enjoy my life now way better than before — mas naappreciate ko ang lahat lahat. And infairness, ako na lagi pinakamaaga dumating sa mga kitaan namin ng mga kaibigan ko. Kung dati ang tawag nila saken eh malaking pad paper kase lagi daw akong “Drawing” o di kaya late… well ngayon, ako na ang First Honor!  Saka ang saya din pala yung gigising ka na wala kang iniisip kung bad breath ka ba, o kung anong itsura mo hahaha… kakastress kaya yun! Saka sarap ng feeling na kahit san ka pumunta keri lang. Kahit anong oras ka umuwi, kahit ano pa suot, itsura or kung magtrabaho ka hanggang madaling wala kang maririnig na comment kundi sa pamilya mo lang! Tapos keber na kung lumamon ka ng todo! Wala na din mangengelam sa mga gusto mong bilhin ganyan at marami pang iba! Many to mention! At ito papala, last na, ang pinakagusto ko sa pagiging single is yung nasa yo ang Alas! Ikaw ang laging panalo! (explain ko nalang sa inyo gurls what I mean by that sa susunod ko na article ha!😉 — para sa mga boys… applicable din naman yan sa inyo! )

Kung tatanungin moko kung masaya ba ako ngayon? Oo masaya ako. Gusto ko parin ba mahanap si Mr. Right? Malaking YES! Pero sabi ko nga this time, last na hirit ko na ito. After this, ayaw ko na. I have few months left before my birthday, so kung hindi kami magtatagpo, I’m good na to be single for life! And again, walang bahid na kaplastikan yan 🙂


With my deadline in mind, I am determined more than ever and made this as my project.

I call it —  OPLAN SHAFAK –  Sagipin at Hanapin Ang Future Asawa Ko!

At dahil dyan I found 3 good matches plus isang nagbabalik na suitor. Ready na ang project notebook ko na masulatan ulit. Isa isa ko silang nilagay dito. Bawat isa may sariling column at istorya ng buhay.

Pinakilala ko sa inyo ang bagong mga Kuya —-

  • First guy —  Kuya Cola.
  • Second guy — Kuya Showbiz
  • Third guy — Kuya Me
  • Fourth guy — Kuya Run.

 

Tuloy ang ligaya, tuloy ang kwento ng buhay…..

To be continued….

 

 

 

Paloma

Advertisements

7 thoughts on “Tuloy ang buhay Paloma, tuloy lang – Tindering @40 The Saga continues…

  1. Hi Paloma! Nico here. I find your articles funny. Hope I can meet you soon. I’m also here in Canada but I can assure you na ako magsasawa. You are funny and I think pretty too! I’m a your no. 1 fan!

Leave a Reply

%d bloggers like this: