Dear Paloma,

Gusto ko lang i-share tong storya ko. Isa akong OFW at matagal tagal na rin akong nasa ibang bansa. May long time partner na ako at isang anak. Masaya naman kami kahit magkakalayo kaya lang siguro may mga bagay na nangyayare na hindi natin maiiwasan lalo na kung malayo ka sa mga mahal mo.

Dati akong nagwowork dyan sa Manila. Matagal tagal din ako nagwork muna dyan bago ako pumunta dito sa US. Nung nagkaron ng opportunity pinili ko na umalis. Pero ganon pa man, hindi nabago yung samahan namin ng mga kaibigan ko sa dati kong company.

So ito na nga andito na ko sa US. Bago palang ako dito non. Medyo nalulungkot nga ako kase hindi ko makausap yung partner at anak ko palagi. Nakakamiss talaga sila. Mahina kase yung internet namin dyan sa pinas kaya hindi sila makapag online parati. Dahil dun ang madalas kong nakakausap yung mga kaibigan ko sa dati kong company. Masaya at magulo kami parati. Daming kwentuhan at kung ano ano pang kalokohan.

Nung minsan na humingi ng tulong ipabenta sakin yung imported perfume ng kasamahan ko sa work, naalala kong inaalok ito sa mga kaibigan ko sa Pinas. At ito na nga, yung isang kaibigan ko nagpm sakin na interested.

Di nagtagal madalas na kaming nag uusap. Mga 4 months din yun na tuloy tuloy. Masaya at nakakakilig din kahit “Bes” lang tawagan namin. Madalas ko nga syang biruin na “Labyu Bes” kapag naasar sya saken or kung parang ramdam ko na nagseselos sya kapag may kameet akong ibang mga friends. Medyo may kulay na ang lahat ng pag uusap namin, although syempre hindi naman pwede kase nga may long time partner na ako at anak, at sya naman currently in a relationship din.

So after few months of talking, sabi nya pupunta raw sila dito ng family nya for a vacation. So ayun, nagplano na kaming magkita. Medyo naexcite din ako. Pero syempre hindi ko sinabi sa partner ko yun.

So time came na dumating na nga sya. Ayun ang saya saya lang. Namasyal kami, punta kung saan saan, kain dito, kain dun, para kaming bf-gf. Dami naming pictures together. Pero yun nga, dahil bakasyon lang yun, saglit lang din at umuwi na sya kasama yung family niya.

Mga ilang araw after nya umuwi sa Pinas, ayun nagmessage sya sakin. Sabi nya may problema daw. So ako naman nag aalala sa kanya. Sabi ko ano ba yun? Nakita pala ng partner nya yung photos namin together sa cellphone nya. Galit na galit daw. Kaya ayun sinabihan nya ako na kung pwede wag daw muna kaming mag-usap.

Pero naisip ko, wala naman kaming ginagawang masama talaga. Super close lang talaga kami. Kaya tinry ko pa din syang imessage. Nakailang message din ako sa kanya pero seen zone lang. Nalaman ko lang sa mga dati kong ofismate na meron na pala syang bagong jowa at naghiwalay na sila nung dating partner nya.

Hayst, kung anong bilis namin naging close ganon din kabilis nawala parang kisap mata.

Anonymous

 

Advertisements