Nagkarelasyon ka na ba? Nasaktan? Naghiwalay? Nabaliw? Sige ano pa ba nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig? Dami diba? Lahat kayang gawin ng taong totoong nagmamahal. Pero naisip mo ba kung natuto ka na sa mga kabiguan mo? Lalim noh? KA-BI-GU-AN …. inshort, sa mga katangahan mo! Yun lang yun! Ano natuto ka ba?

Sure ka? Sure ka ha! Hindi ba trauma lang yan?

Anyway, ito share ko sayo yung sampung bagay na dapat natutunan mo na! Take it from me! Kung may graduation nga lang ang pagjojowa, malamang Cum Laude nako sa dami kong award! Sana matuto ka ha, kung di man applicable sayo, skip mo nalang. O di kaya wag mo ng basahin ang blog ko kase para sa mga imperfect lang to! Hindi applicable sa mga perfect na gaya mo ok?  Joke! Sige basahin mo narin para dumami views ko! Lab you!

Eto na!

  1. Naisip mo ba na kung mahal ka talaga nya edi sana kasama mo parin sya? — teka ha, applicable lang toh sa mga buhay na ex Jowa — Oo totoo yun! Kaya wag mong isipin na nalilito lang sya o inakit ng iba. Huwag mo ng bigyan ng idea yung ex mo! Saka mga Ateng at Kuyang, naman! Hindi ka naman attorney nila kaya wag mo ng ipagtanggol yung taong yun sa puso mo! HINDI KA NYA MAHAL OK! PERIOD!
  2. Kapag naghiwalay kayo, tapos nagkajowa agad yung ex mo feeling talunan ka. Teka lang ha, may contest ba na kapag naghiwalay kelangan unahan magkajowa ulit? Kase hindi ata kami informed! Baka naman kase nasa utak mo lang yun! Guni-guni, ganyan! Unang una, walang competition! Pangalawa, walang award kapag naunang magkajowa! Pangatlo, may kanya kanya tayong timeline so don’t compare!
  3. Ang salitang “Move-on” ay hindi equivalent sa word na “Paglalande”! Oo teh, hindi sila synonyms, kaya tigilan mo yang paglalande para lang masabi na nakapagmove-on ka na! Tapos ano, kapag may tangang pumatol sayo gagawin mo namang rebound o di kaya papaasahin mo?! Nandamay ka pa! Wag ganon!
  4. Kapag iniwan ka ng Jowa mo, feeling mo kelangan dapat may closure para makamove-on ka na. Dami mong tanong, bakit sya pinili mo, bakit mko sinaktan, ano bang nagawa ko, bakit dimo ko binigyan ng chance… at kung ano ano pang madramang tanong! Unang una, hindi si Charo Santos yung ex mo kaya wag ka ng mag expect na sasagutin yang mga tanong mo! Pangalawa, sana naman sapat ng mensahe sayo na iniwan ka ng hindi sya nagpapaliwanag. Malinaw na malinaw ibig sabihin non, HINDI KA NYA MAHAL! So please tama na, don’t waste your time and resources para lang itext, tawagan, i-stalk o sundan yang ex mo! Magtinder ka nalang o di kaya magTiktok, sasaya ka pa! Isipin mo nalang na may savings ka this year kase wala ng reregaluhan o ipagbobook ng mga travel. Basta ok na yun! Tandaan mo sinabi ng mga magulang at kapatid mo… kung wala naman sasabihin ko ito sayo, YOU ARE BEAUTIFUL AND YOU DESERVE TO HAVE THE BEST! At sya hindi pa yung best! Kase kung best sya sana kinaya nya yang topak mo! Gumigive up nga eh… so intindihin mo na ok!
  5. Sana kapag naghiwalay kayo ng Jowa mo, wag mong isipin na ikaw ang may kasalanan. Kesyo sana ganito o ganyan nagawa mo… Ok na mga ateng at kuyang, TAPOS NA PO. San ka naman nakakita ng pelikula na sa ending ng movie eh nagpapaliwag yung mga artista at sinasabi na dapat ganito sana yung acting nya sa eksena … WALA! So ganon din sa relationship. Kapag natapos na, ok na yun. Nagawa mo na. Ang importante sa susunod na pagkakataon na magkakaron ka ulit, alam mo na gagawin mo. PATAWARIN MO NA SARILI MO! Alalahanin mo, malawak ang universe, kaya wag kang mawawalan ng pag-asa!
  6. Huwag kang mag expect ng kung ano ano. Madalas kase dahilan bakit naghihiwalay magjowa eh nagsisimula sa mga maliliit na tampuhan na paulit-ulit nangyayare. Tapos unti-unti na kayong napupuno ng nega vibes, tapos ayun, isang araw sasabog nalang bigla. Ang nakakalungkot, ang pinagmulan nito eh yung mga simpleng expectation na hindi nagawa ng partner natin. Feeling kase natin FAIRYTALE ang pakikipagrelasyon. Oh di kaya, feeling mo may super powers yang Jowa mo na kaya nyang basahin nasa utak mo. Kaya kapag hindi ka nya nagets o hindi nagawa gusto mo, ayan galit galitan kana. Ateng at Kuyang, tao lang po sila gaya mo. Kaya wag po tayong “Judger”. Relationship is all about acceptance.
  7. Nagkamali sya, feeling mo ok lang na magalit ka at ipahiya sya sa FACEBOOK, TWITTER o kung saan saan pa para ipagkalat kasalanan nya sa lahat ng tao. Hayyy, inhale, exhale! Kalokohan yan! Hindi mo ba naisip na ang nagbenepisyo lang sa ginawa mo eh yung mga chismoso’t chismosa kase meron nanaman silang bagong topic! Kung ang objective mo lang naman eh magtrending ka sa buong mundo sana  sinamahan mo na ng BOOST yung post mo! May marketing ads ka pa! Hayyy kakaloka! Kausapin mo kase sya wag yung sa Facebook agad o di kaya kay Tulfo! Para naman kayong walang pinagsamahan nyan! OK ba mga ateng at kuyang?
  8. Kung nasaktan ka, ganon din sya! Kaya wag mong isipin na ikaw lang nalulungkot! Wag mong solohin ang credits! Pareho lang kayong nasaktan sa paghihiwalay nyo. Kahit hindi obvious minsan pero maniwala ka, totoo yun! Parang hangin lang yan eh, hindi mo nakikita pero totoo sya!
  9. Hindi totoong pwede maging friends mo agad yung EX mo! –Take note of the word  “AGAD “— Kalokohan yun! Tapos ano feeling close friends kayo, magshashare ng kung ano anong problema kunwari, tapos lalabas kayo, tapos ano? PAK GANERN??? Oi, parang di kana nadala ha? Tama na katangahan mo! May award ka na talaga nyan kapag sinundan mo pa ng isa!
  10. Kung nagmahal ka at binigay mo ang lahat pero iniwan ka pa rin, eh wag mong sumbatan ex Jowa mo! Unang una, ikaw may kasalanan nyan kase ikaw naman ang give na give dyan! Bakit sinabi ba nya na gawin mo yan? Hindi naman diba? Ikaw lang tong bibo kid. Dapat kase mag-iwan ka din para sa sarili mo. Hindi yung lahat binigay mo na. Pero don’t be too hard on yourself din! Nagmahal ka lang at tinamaan ka ng katangahan mo! Mahirap yun ah! Kase yang katangahan hindi nadedetect ng taong meron nito. Tanging mga tunay na kaibigan at pamilya mo lang makakakita nyan. Kaya sana makinig ka din sa sinasabi nila, kase may bahid ng katotohanan yun. OK!

Sana may natutunan ka. Masakit man pero yun talaga eh. Tandaan mo patuloy ang ikot ng Mundo, kaya wag ka rin tumigil na sa pagsabay sa agos ng buhay mo. Bawal ang sumuko!

Advertisements

Leave a Reply

%d bloggers like this: