Alam kong marami sa inyo ang nalilito, nabitin at medyo na “off” sa blog ko. Ano na ba talaga atey? Oo ramdam ko kayo. Pano naman all of the sudden naging iba tema ng blogs ko. From my “Tinder” adventures, tapos ending ng “dating” (pagsarado ng tindahan ni Paloma), tapos may pagREVEAL, then hanggang ang tema eh medyo lito lito na —- meron about kay God —- sa Foundation —- sa trainings —- hanggang sa ginawa ko na syang online class. Lahat nalang ng “no-no’s”  sa marketing ginawa ko! Kakagalit! Hahahaha! Nasa digital marketing pa naman ako, waheheheh!

Sorry naman! Kasalanan nyo din kase binabasa nyo blog ko! Ayan tuloy! Tapos nagrereklamo, hahaha! Joke! Peace tyo! Sa totoo lang kapatid, pinagdarasal kita 🙂  Promise! At dahil dyan, patawarin mo na ako kase kahit ako nalito din sa sarili ko. Maraming bagay na medyo weird nangyari saken pero lahat ng yun ang nagbigay sakin ng kakaibang “love story”. Pramis!

So bago pa humaba yung intro ko, sisimulan ko na ang bagong yugto ng mga kwento ni Paloma.

Ano na nga ba nangyare kay Paloma? Bakit nga ba bigla nalang ako nagsarado ng tindahan ng ganon ganon nalang? Well, unang una, medyo tinabangan talaga ako after the incident kay Kuya Honey (Canadian guy). I thought I was really over him but I wasn’t. Kahit parang isang linggong pag-ibig lang sya, eh nasaktan din ako talaga. Ewan ko ba! Pero going back to it now, mukhang na-fall ako sa kanya ng bahagya. Yes, bahagya lang! Kase kung todo yun, malamang taon bibilangin bago ako umariba ulit. But because I am such a rebel type, kebs na at meet and accept suitors agad. And I’m just so lucky that these men that I have met are all good guys. Kaso mukhang ni isa sa kanila ang talagang tinadhana ni Lord. Alam mo yun?! Pero infairness, these experiences have brought my self-confidence up! Feeling ko haba haba ng hair ko, ganyan…. hehehe!

Among the 3 Kuyas na sumunod after Kuya Honey, si Kuya RC lang talaga yung very much consistent na minimeet ko lagi! Well, apart from panay yaya nya saken, I really like his company and his friends. The atmosphere with them is super positive vibes. As in! Kaya love ko talaga sila, na kahit binusted ko si Kuya RC, I still remembered them and sent them tokens nung Christmas.  At syempre friends parin kami ni Kuya RC.

To fast forward, I went to Cebu and helped out a Foundation. Dami ko din byahe. But my journey to Cebu left the biggest mark in my life. I never thought in my 40 years of existence, I would find my one TRUE LOVE! How could I have been so blind? All these years that I knew Him, ngayon ko lang talaga Sya nakilala. Yes TRUE LOVE really exist! Grabe akala ko wala na akong pag-asa! Pero because of Him, my eyes were able to see things differently. Alam mo yun, parang merong  heart-hearts na lumulutang sa mata ko? Haha 😍 👈 Parang ganyan! ahahaha

It all started January of this year. I booked my ticket going to Cebu — 2nd week of January. I was feeling so excited and happy. Hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit ba ako feeling excited and happy eh samantalang ivivisit ko lang naman yung client ko sa insurance at papasign yung proposals ko. Basta kakaiba, parang may kilig na hindi mo maintindihan….parang hawig sa feeling na natatae kana, ganyan! May pagsayaw at kanta pa nga akong nalalaman eh! Feeling winner sa lotto! Basta ramdam ko that time na may mangyayaring maganda saken!

The time came that I arrived na in Cebu. It was a Sunday, and the sun was up! It was indeed a beautiful day! After I got my bag,  I went straight to the church for the service and meet my friends there, which by the way I considered my 2nd family. Sila actually yung clients ko din.

I couldn’t help but smile while I was in the car as I looked outside the window. I can feel the sun’s rays touching my cheeks. It was as if its giving me energy! Naalala mo ba yung feeling na papunta kayo sa beach? Di ba ang saya? Ganon na ganon yung nararamdaman ko!

Finally I arrived in the church. I saw some familiar faces who welcomed me. I sat on the 3rd row in-front so I can have a better view. The service started and we were all singing when I started noticing “Him”.  He was at the center of the platform. I looked at “Him” and I just couldn’t believe what I felt that moment. It was a tingling feeling. “I Zinged!”  

Ewan ko ba! Parang nanlaki yung mata ko! Hindi ba si  Kuya “G” yun???  Dati ko pa naman sya kilala simula bata pa ako, pero that time when I attended the service, He was different! I never thought He would get my attention! Para bang ang gwapo gwapo Nya! Yung feeling na bagong ligo at ang sarap amuyin! Hayst! I remembered tuloy nung bata pa ako. Kase noong maliit pa ako, crush na crush ko talaga Sya. He was my playmate then. Tapos buddies pa kami sa pag-aaral. Sinasabayan Niya ako laging magmemorize ng mga poems noon kaya ang bilis bilis kong makamemorize. Lagi kaming magkausap. Tapos naalala ko pa na tinuruan Nya akong gumamit ng typewriter at magsulat ng napakadaming mga alamat bilang project namin yun dati sa school.  Madalas ko Siyang tawagan. Siya lagi ang sumbungan ko kapag may problema o may nang-aaway saken. Pero nung nagsimula na akong magkacrush sa iba, hindi na kami madalas mag-usap. Actually ako yung hindi na tumatawag sa kanya. Tapos madalas wala din ako sa bahay kaya hindi Nya ako natatawagan bilang di pa naman uso cellphone non. Hanggang nung college years ko, dun na kami halos nawalan na talaga ng  communication. Maraming taon na rin lumipas. Minsan kapag umuuwi ako samin, nakikita ko Sya. Minsan nag-uusap din kami pero madalas ang hindi.

Napaisip tuloy ako, bakit ganon? Parang kakaiba Sya! He seems to be very influential at yayamanin! His face is glowing and His presence just gives positive vibes to everyone! Yung mga tao dun sa church gustong gusto Sya! Wala na akong narinig sa mga tao dun kundi compliments about Him. Kahit ako nga eh, napapabilib talaga. Hay nako, ibang-ibang talaga si  Kuya “G” nung nakita ko.

Natapos na yung service pero hindi ko pa rin Sya makalimutan. Iba talaga yung feeling ko. Para bang na starstrucked ako!

I went with my friends, who were also my clients and 2nd family in Cebu, and stayed in their house. Ayun ang saya saya namin! Kwentuhan, harutan at tawanan! Ang ingay! Kasama ko yung big brother B and big sister C ko. Mga magulang kung ituring ko. Dami naming kwentuhan hanggang sa napag-usapan namin yung about sa  mga ginagawa nila ngayon sa ministry. Kinuwento sakin ni Big Brother B yung pangarap nya na makatulong sa maraming tao, lalo na yung mga sawi, yung mga feeling talunan sa buhay, yung mga bugbog na sa mga sugat at yung mga tao na nawalan na ng liwanag sa buhay.  Grabe, ang ganda ganda naman at ang galing galing! Parang gusto ko din non! Yung makatulong sa kapwa!  Pero nagulat talaga ako ng sabihin ni big brother B na si Kuya “G”  ang nagbigay sa kanya ng idea na yun! Huwaattttt!????!!! Napadrop Jaw talaga ako non! Isipin mo! Si Kuya “G” talaga nagbigay ng idea na yun??? At hindi lang yun! Sya pa daw ang punong abala lagi sa mga gawain sa church!!

Naiintriga na talaga ako sa kanya. Gusto ko a tuloy i-stalk tong si Kuya G. Bakit ba kase iba na Sya now. Sabagay noon naman matulungin na Sya. Pero hindi naman Sya gaya ng pagkakakilala ko dati. Noon madalas Syang tahimik at nakikinig lang. Pero ngayon, base sa mga kwento nila ang daldal Nya! Sya pa talaga nagbibigay ng instructions. Ibang iba Sya sa pagkakakilala ko.

Nung hapon ding yun, bumalik ako sa church para umattend ng evening service. After non, umuwi ako sa bahay nila big brother B and big sister C. Laking gulat ko nung andun si Kuya “G” at kausap Nya si big brother B. Nakaupo sila sa dining table. Kinabahan ako bigla ng napatingin si Kuya “G” saken…

To be continued….

 

 

Advertisements

Leave a Reply

%d bloggers like this: